
Nitong nakaraang Linggo, ilang maiinit na sandali at mga pagkikita nina Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin) ang muntik nang mahuli ni Gemma sa Apoy sa Langit.
Nang mahuli ni Ning (Mikee Quintos) ang pagtawag ng babae kay Cesar, nagsumbong siya kay Gemma. Tinawagan man nina Gemma at Ning ang number nito ay nagawan na ito ng paraan nina Stella at Cesar para malusutan.
Muling nagtuloy ang pagdududa ni Gemma nang makitang may passcode na ang cellphone ni Cesar at may mga resibo pa sa kanyang mga pinamili para sa ibang babae. Nang mauwi sa komprontasyon, sinabi ni Stella na binili ito ng ama na si Cesar para sa kanya.
Nahuli ni Blessie (Mariz Ricketts) si Cesar na may kasamang blonde na babae at sinumbong ito kay Gemma. Tinawagan naman ni Gemma si Stella na may babae ang kanyang ama. Nakagawa ng paraan si Stella para malusutan si Gemma at nakaharap nito ay isang real estate broker at nag-viral ang eskandalo na nangyari.
Abangan ang mga susunod pang mangyayari sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.