GMA Logo dr kilimanjaro tiwaquen on abot kamay na pangarap
What's on TV

Appearance ni Dr. Kilimanjaro Tiwaquen sa 'Abot Kamay Na Pangarap,' pinag-usapan sa social media

By EJ Chua
Published November 2, 2022 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bank officials may testify at Sara Duterte impeachment trial —prosecutor
2 Lalaki nga Nakuhaan og 20 Kilos nga Shabu, Napasakaan na og Kaso | Balitang Bisdak
This popular local fries stall is offering free upsize until June

Article Inside Page


Showbiz News

dr kilimanjaro tiwaquen on abot kamay na pangarap


Eksena nina Dra. Analyn at real-life doctor/famous vlogger na si Dr. Kilimanguru, kinagiliwan ng netizens!

Noong Oktubre, ikinatuwa ng Abot Kamay Na Pangarap viewers ang isang anunsyo tungkol sa pag-guest ng dalawang real-life doctors at sikat na content creators sa GMA inspirational-medical drama series.

Sa katatapos lang na episodes ng programa, napanood ang licensed physician at famous content creator na si Dr. Kilimanjaro Tiwaquen na kilala rin bilang si Dr. Kilimanguru.

Habang nasa isang symposium, nagkita-kita sina Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), Dr. Kilimanguru, at Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Kinagiliwan ng netizens ang makulit na mga eksena nina Dr. Kilimanguru at Dra. Analyn habang pinag-uusapan nila ang malditang doktor na si Zoey.

Komento ng ilang netizens, natural na natural daw ang acting ng sikat na doktor.

Comments

Hiling naman ng ilang fans ng doktor, sana raw ay mag-guest pa sa ilang TV shows si Dr. Kilimanguru.

Comments

Panoorin ang eksenang ito:

Bago pa ito, una nang napanood sa serye ang radiologist at content creator na si Dr. Alvin Francisco.

Patuloy na subaybayan ang inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: