
Walang patumpik-tumpik na sinagot ng former Bubble Gang actress na si Ara Mina nang mag-guest siya sa podcast na "Surprise Guest with Pia Arcangel” ang naranasan niya noon na mga indecent proposal.
Related Gallery: Actresses who graduated from 'Bubble Gang'
Sa one-on-one interview niya kay Pia, sinabi nito na nagsimula siya magpa-sexy noong 16 to 17 years old.
Dito inilarawan ni Ara ang mga “nakakatakot” na lalaki na nag-offer sa kaniya noon ng indecent proposal.
Sabi niya kay Pia, "Wala pa naman social media nun, so it's really hard for the guy to connect kung hindi mo talaga ma-mi-meet,"
"Basta I remember nagkaroon lang ako ng stalker. Nagkaroon ako ng mga suitors na, I admit na mayroong mga indecent proposal na nakakatakot, mga ganun."
Dagdag pa ng aktres na hindi raw niya kilala ang mga ito, “Yes, pinararating lang sa amin. Sabi ko, 'Huh? Kumusta naman 'yun. Sabi ko what!'.”
Sumunod na tanong ni Pia: “Paano mo hina-handle 'yung mga ganun?"
“One time sa manager ko may kumontak din. Nag-meet na po ba kayo ni Ara ganiyan-ganiyan. Inaway ng manager ko, kasi 'di ba parang may mga weird eh. Parang feeling nila kaya nilang bilhin lahat," lahad ni Ara.
Napanood bilang si Elizabeth Laurente sa GMA Prime soap na Lovers & Liars si Ara Mina na pinagbibidahan ng the Optimum Star na si Claudine Barretto.