GMA Logo ara mina and bernard palanca
What's on TV

Ara Mina at Bernard Palanca, abangan sa 'Lovers & Liars'

By Aimee Anoc
Published December 20, 2023 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

ara mina and bernard palanca


Kaabang-abang ang mga karakter na gagampanan nina Ara Mina at Bernard Palanca sa 'Lovers & Liars.'

Mapapanood sina Ara Mina at Bernard Palanca sa triple-plot drama series na Lovers & Liars simula Huwebes, December 21.

Kaabang-abang ang magaganap na tapatan sa pagitan nina Ara at Claudine Barretto sa serye.

Makikilala si Ara bilang Elizabeth, ang first wife ni Ramon Laurente. Matatandaan na noong pumanaw si Ramon ay inihabilin niya ang pamumuno sa Pacifica (real estate company) sa second wife niyang si Via (Claudine).

May kinalaman kaya si Elizabeth sa biglaang pagkakaaresto kay Via sa salang murder kay Ramon?

Samantala, makikilala naman si Bernard bilang Martin, ang TOTGA ni Via. Ano kaya ang gagawin ni Via ngayong nagbabalik sa buhay niya si Martin?

Abangan sina Ara at Bernard sa Lovers & Liars ngayong Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG LOVERS & LIARS SA GALLERY NA ITO: