GMA Logo Family Feud
What's on TV

Ara Mina, Joel Lamangan, at iba pang industry veterans, maghaharap sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published September 11, 2026 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ombudsman Remulla on Pia, Alan Cayetano's PH exit: They probably needed a break
Francis Libiran unveils the Malaya barong for Asian Games 2026
Pinoy Marino Rights

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Narito ang mga makakasama nina Ara Mina at Joel Lamangan ngayong September 11 sa 'Family Feud!'

Dalawang grupo na pangungunahan ng isang iconic '90s screen siren at legendary former director ang maghaharap ngayong Biyernes sa isang exciting na episode ng Family Feud!

Ngayong September 11, mapapanood ang aktres na si Ara Mina sa Team Eto Na Kami. Kabilang sa kaniyang team ang mga kasamahan niya sa bagong podcast na Eto Na Kami. Sila ay ang mga dating child stars noong '90s na sina Atong Redillas, ang kauna-unahang Little Mr. Pogi; award-winning dramatic child star na si RR Herrera; at dating miyembro ng That's Entertainment na si Arabell Cadocio.

Makakaharap nila ang Team Unstoppable na pinamumunuan naman ng multi-awarded director at aktor na si Joel Lamangan. Kilalang-kilala si Direk Joel sa mga critically acclaimed films gaya ng Death Row ng GMA Films. Siya rin ang naging director ni Dingdong Dantes sa Metro Manila Film Festival entry na Magkapatid.

Kasama niya sa Team Unstoppable ang seasoned industry peers and long-time collaborators na sina Jim Pebanco, na nagkamit ng Best Supporting Actor award sa Cinemalaya; veteran host at comedian na si Arnell Ignacio; at actor-director na si Afi Africa.

Abangan ang nostalgic moments at pagalingan sa pagsagot sa fresh episode ng Family Feud ngayong September 11, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.