
Hindi karaniwan ang mga sitwasyon nina Ara Mina at Maureen Larrazabal pagdating sa kanilang mga anak. Ngunit kahit ganoon, ipinagmamalaki pa rin ang IG Bubble Gang babes sa kanilang mga anak sa kung papaano nila hinaharap ang sitwasyon.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 17, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda sina Ara at Maureen kung papaano sila bilang ina.
Tanong ng batikang host, “As mothers, meron bang mga pagkakataon na ikinaloka n'yo ang tanong ng inyong isang anak?”
Saad ni Ara, hindi naman siya na loka, sa halip ay ipinagmamalaki pa nga niya ang anak dahil sa pagiging mature nito sa sitwasyon nila ng dating partner at ama nito na si dating Bulacan Mayor Patrick Meneses.
“Hindi siya tanong e, she was what, three? Three years old at that time? Nagsasalita na siya. Magkahiwalay na kami ng papa niya, so hinatid namin 'yung papa niya sa bahay, then bigla na lang siyang nagsalita, 'Dito bahay ni papa. Uuwi na tayo sa bahay natin,'” pagbabahagi ni Ara.
Aniya, napatingin siya sa anak dahil hindi niya inaasahan na alam nito ang sitwasyon nila, lalo na at hindi naman nila ikinuwento dito.
“Parang na-gets na niya 'yung situation,” Sabi ni Ara.
RELATED CONTENT: KILALANIN ANG ILANG NON-SHOWBIZ KIDS NG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:
Naging emosyonal naman si Maureen nang ibahagi niya ang kaniyang takot na magrebelde ang kaniyang mga anak dahil hindi naman niya biological children ang mga ito.
“Kasi hindi biological, so ang takot ko, hindi nila maintindihan why, tapos magrebelde. So hindi na nila ako tinanong actually, pero binitawan na lang nila one day na 'We know that you're not our real parent, but we love you so much that we don't care to know who our parents are,'” pagbabahagi ni Maureen.
Aniya, doon pa lang ay hindi na siya pinahirapan ng kaniyang mga anak na magpaliwanag pa ng kanilang sitwasyon. Aniya, grateful siya dito dahil isa sa mga kinakatakot niya ay hindi maipaliwanag ng maayos ang kanilang sitwasyon.
“'Yun lang, very grateful ako nu'ng finally, sila na mismo ang nagsabi. Kasi tinanong ko rin sila, 'Do you want to see your parents? Do you wanna know?' Parang sa kanila, 'No, it's not important anymore,'” sabi ni Maureen.
Panoorin ang panayam kina Ara at Maureen dito: