
Sinagot ng aktres na si Ara Mina ang tanong kung nagkaroon nga ba sila ng relasyon ni Manny Pacquiao. Matatandaang naging matunog ang issue na ito noong gumawa sila ng pelikula noon ng Pambansang Kamao.
Sa interview niya kay Susan Enriquez para sa Kay Susan Tayo! Vlogs, nilinaw ng aktres na na-link lang sila noon dahil sa kanilang 2008 film na Anak ng Kumander.
"Na-link lang sa movie. Kasi, I think, first movie ba n'ya 'yon? Saka inamin naman niya sa akin na crush n'ya ako noon pa," sabi ni Ara.
Nang tanungin kung nanligaw ba sa kanya si Manny, sagot niya, "Ligaw ba 'yon? Parang normal na... I don't think ligaw 'yung ginawa niya sa akin.
"Sabi niya nu'ng araw daw, hindi pa siya sikat na boksingero, may poster ako ng Tanduay. Sabi niya, 'Kailan ko kaya makakasama 'to?' Parang gano'n."
Ayon kay Ara, hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Manny. Sabi niya, "Hindi. Lahat naman kasi para kumita 'yung movie."
Nang tanungin kung naramdaman ba niya na crush siya ng Pambansang Kamao noong nagsu-shoot sila ng kanilang pelikula, sagot ni Ara, "Oo, ramdam ko."
Panoorin ang buong interview ni Ara Mina sa "Kay Susan Tayo! Vlogs" dito: