
Muling masasaksihan ng Kapuso viewers ang pinakamainit na banggaan ng dalawang anak sa GMA drama series na AraBella.
Tampok nito ang kuwento ng isang ina na si Roselle (Camille Prats) na nais lamang mahanap ang kanyang nawawalang anak.
Sa loob ng isang dekada, walang ibang ginawa si Roselle kung hindi hanapin si Bella. Sa dami ng mga dalaga na nagpakilala bilang nawawala niyang anak, dalawa ang tumatak kay Roselle - sina Ara (Shanye Sava) at Bella (Althea Ablan).
Ayon sa DNA test, hindi si Ara ang nawawalang anak ni Roselle kahit na malapit ito sa kanyang puso. Ibig sabihin ba ay si Bella ang nawawalang anak ni Roselle?
Maliban sa nakakaintrigang kuwento, dapat din abangan ang mahuhusay na cast ng serye na sina Camille Prats, Shayne Sava, Althea Ablan, Klea Pineda, Wendell Ramos, Alfred Vargas, Abdul Raman, Saviour Ramos, Nova Villa, Ronnie Lazaro, Faye Lorenzo, Thia Thomalla, Luis Hontiveros, Madelaine Nicolas, Mitzi Josh, Julia Pascual, at Angel Leighton.
Sino sa dalawang anak ang may tunay na karapatan sa piling ni Roselle?
Huwag palampasin ang pinakamainit na banggaan, anak laban sa anak, sa AraBella, ngayong Lunes (February 23), 4:45 p.m. sa GTV.
Samantala, kilalanin pa ang cast ng AraBella sa gallery na ito: