Article Inside Page
Showbiz News
Arci Munoz is just one of GMA-7's new breed of kontrabidas—sweet-looking, pero ibang klase kung magpahirap sa mga bida!
Arci Munoz is just one of GMA-7's new breed of kontrabidas—sweet-looking, pero ibang klase kung magpahirap sa mga bida! And with her latest role bilang Donna sa 'Ngayon at Kailanman,' Arci shows everyone na dapat na siyang katakutan. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio.

Simula pa lang, kontrabida roles na ang nahihilera para kay Arci Muñoz—pero hindi nagrereklamo ang dalaga. "Ito talaga 'yung gusto ko," Arci confesses.
For Arci kasi, iba ang allure ng pagiging kontrabida. Bukod sa "mas challenging", inamin ni Arci sa amin na ayaw niyang siya ang aapihin. "Ayoko noon. Mas masaya 'yung [ako ang nang-aapi]."
Kaya naman masayang-masaya si Arci sa kanyang pagkakakuha ng lead kontrabida role para sa
Ngayon at Kailanman.
Sabi nga niya, "Sobrang thankful ako sa [network] dahil binigyan nila ako ng chance na maipakita 'yung talent ko—at saka ito talaga 'yung gusto ko eh: kontrabida."
For Arci, mahirap daw talagang higitan ang ginawa ni Miss Cherie Gil para sa original movie ng
Ngayon at Kailanman, "pero gagawain ko naman [ang] lahat." Arci promises, "Hindi ko ipapahiya [ang network] na binigyan nila ako ng project na ganito." Pero bukod pa diyan, may mas matinding critic na gusto i-impress si Arci: ang sarili niya.
"Ipu-prove ko sa sarili ko na kaya ko!"
Sa sobrang excitement ni Arci sa kanyang role, kuwento niya sa amin, pinagpa-practice-an na raw niya ang mga kasama niya sa bahay. "'Pag nasa bahay ako, nasa salamin ako o kaya sa mga kapatid ko," Arci shares, "pina-practice ko na."
She even lost weight to make her features sharper!
"Hanggang ngayon, nagko-continue pa rin ako ng gym," Arci tells us. "Kailangan. I'm really ready."
Sa lahat ng preparations na ito, dapat talagang panoorin si Arci sa
Ngayon at Kailanman. Banta ni Arci, "Ang hindi manuod—tatarayan ko! Pangit! Pangit talaga hindi manuod! Kailangang manuod sila!"
Gusto mo bang bagsakan ng galit ni Donna Benitez? Then don't miss
Ngayon at Kailanman every weekday afternoon sa Dramarama sa Hapon ng GMA! Or else—'pag nagkita kayo ni Arci, humanda na kayo.
At batiin niyo si Arci tungkol sa kanyang acting prowess!
Just text ARCI(space)(your message) and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk 'N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)