
Very proud na ibinahagi ng aktres na si Arci Muñoz ang kaniyang pagiging certified army o fan ng K-pop group na BTS sa isang episode ng "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga nitong Lunes, October 3.
Gaya sa kuwento ng maraming fans ng nasabing grupo, ibinahagi ni Arci na ang BTS at ang mga kanta nito ang nagpasaya sa kaniya noong panahon na may pinagdaraanan siya sa kaniyang past relationship.
Kuwento niya, "Kasi nung naging fan ako super unexpected, nung time na 'yun I was going through a breakup tapos metal ako, rock and roll, tapos biglang na-scroll ko lang sila sa internet tapos sabi ko bakit kaya sobrang dami nilang fans, bakit sobrang dami nilang views?
"'Yung song na nakapagpa-convert sa akin was 'Boy with Luv,' tapos sabi ko sino ba 'tong mga magagandang lalaking 'to, ganun 'yung mga tipo ko mga pretty boys. Ang galing sumayaw, tsaka 'yun 'yung frustrations ko kasi di ako marunong sumayaw. So sabi ko, 'Wow grabe 'tong pitong ito."
Simula nang maging fan si Arci, halos wala na siyang pinalampas na concert ng nasabing grupo, kung kaya't present siya sa magkakasunod na concert nito bago at habang may pandemya.
Aniya, "So since then, mga July, August, noong maging Army ako, October nanonood ako sa last leg nila sa Korea, pina-tattoo ko 'tong [love yourself] doon sa Korean tattoo artist. Fifteen times ko po sila napanood sa buong mundo."
Dagdag pa niya, "Every time I watch, kasama ko ang mom ko, so October nag-Korea kami, November, Japan, December, L. A., nag-new year po ako mag-isa sa New York, kasi BTS 'yung magpe-perform. From New York, lumipad ako straight to Korea to celebrate my birthday and then nanood ulit ako ng BTS, tapos pandemic na po, puro online na 'yung concerts, Tapos nitong huli, nag-stay po ako sa U.S. for eight months for them."
Aminado si Arci na malaki talaga ang epekto sa kaniya ng nasabing grupo at iba ang saya na naihahatid nito sa kaniya.
"Hindi ko po talaga alam kung bakit, hindi ko ma-explain kasi dapat pauwi na po ako noon sa Philippines tapos nag-announce sila na may concert sila sa L.A., four days 'yun, four days din akong nandoon," ani Arci.
Bukod sa panonood ng concert, bumili pa si Arci ng 1 square foot na lupain sa Highland Titles Nature Reserve sa Scotland para sa miyembro ng BTS na si Jungkook.
Aniya, "Niregaluhan ko pa siya ng lote sa Scotland, si Jungkook para maging 'Lord' siya, so 'Lord' na siya ngayon, may title na siya na Lord Jeon Jungkook."
Bago pa man makabili ng maliit na lote sa Scotland para kay Jungkook, niregaluhan na rin ni Arci ang isa pang miyembro ng BTS na si Jimin ng isang farm sa Pilipinas.
"Si Jimin po dati, niregaluhan ko pa po siya ng farm. Kasi po 'yung name niya Park Jimin, so ang ginawa ko pong pangalan nung farm ay 'Park Jimin' tapos puwede pong pumunta 'yung mga tao, nagtatanim po kami doon all for a good cause naman iyung lahat ng ginawa ko para sa kanila," masayang ibinahagi ni Arci.
Sa lahat ng fan girl moments ni Arci, may tanging hiling lang ng aktres ay ang makasama ang BTS.
"Makapagpa-picture lang ng malapitan 'yun lang kasi sobrang higpit po talaga. Pangarap ko [rin] po na maka-shot sila 'di ba, para maging tropa-tropa," kinikilig na sinabi ni Arci.
Bukod kay Arci, kilala rin bilang certified army ang celebrities na sina Megan Young, Mikee Quintos, Shaira Diaz, at Krystal Reyes.
SILIPIN ANG IBA'T IBANG HAIRSTYLE AT EYE-CATCHING HAIR COLORS NI ARCI MUÑOZ SA GALLERY NA ITO: