GMA Logo Arci Munoz
Source: FastTalkGMA/FB
What's on TV

Arci Munoz on past relationship with Brunei prince: 'Unforgettable'

By Kristian Eric Javier
Published March 24, 2025 10:00 AM PHT
Updated March 24, 2025 10:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alamin kung masuwerte ang iyong zodiac sign ngayong 'Year of the Fire Horse'
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Arci Munoz


Binalikan ni Arci Munoz ang naging relasyon niya sa anak ng isang Brunei prince.

Itinuturing ni Sinagtala actress Arci Muñoz na unforgettable ang naging relasyon niya noon sa anak ng prinsipe ng Brunei. Sa katunayan, puro magaganda ang sinabi niya tungkol dito.

Sa pagbisita ni Arci sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, March 21, inilarawan ng aktres ang kaniyang ex bilang isang “great guy,” at sinabing nakuha niya ang best time ng kaniyang buhay kasama ito.

“It's simple yet luxurious at the same time because this person is so simple. Yet with his estado niya sa life, wala, hindi niya--he doesn't really use that. He's so down to earth,” sabi ni Arci.

Dagdag pa ng aktres, “He [made] me feel like a queen. He's a nice guy.”

Pag-amin ni Arci ay wala na silang komunikasyon ng kaniyang dating boyfriend, at sinabing hindi niya alam kung single pa ito.

Inalala rin ni ng aktres ang mga panahon na binabantayan sila ng personal guards ng kaniyang ex tuwing lumalabas sila.

Ngunit aniya, “But he's so humble. Like sometimes he runs away from the bantay kasi he wants his privacy also and freedom. And he's very cool.”

BALIKAN ANG ILAN SA MGA STYLISH AT EYE-CATCHING HAIR COLORS NI ARCI THROUGH THE YEARS SA GALLERY NA ITO:

Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda si Arci kung ano ang natutunan nito sa kanilang naging relasyon, ang sagot ng aktres, “You just can't love somebody that much. Kasi parang we had this really deep connection, and he set the standards so high, natutunan ko tuloy ang hirap na mag-boyfriend ngayon.”

Masaya umano si Arci para sa kaniyang ex at sinabi na kung sakaling magkita sila, gusto niyang sabihin dito na masaya siya para sa kaniya dahil solid ang kanilang naging relasyon, kahit pa hindi sila ang nagkatuluyan sa huli.

Bibida si Arci sa musical film na Sinagtala na mapapanood na simula April 2. Makakasama niya dito sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Rayver Cruz, at Matt Lozano.