GMA Logo arman salon on lutong bahay
SOURCE: GMA Public Affairs
What's Hot

Arman Salon, ikinuwento ang naranasang 'attitde' ng kapwa content creator

By Hazel Jane Cruz
Published January 15, 2025 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

arman salon on lutong bahay


Alamin ang kuwento ni Arman Salon sa “Kitchen-terrogate” segment ng 'Lutong Bahay.'

Hindi nakaligtas sa mga maaanghang na tanong ang content creator na si Arman Salon sa “Kitchen-terrogate” segment ng GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama sina Mikee Quintos at Chef Ylyt.

Nang tanungin ni Mikee kung may content creator na siyang nakatrabaho na nakitaan ng “attitude,” natameme si Arman at piniling ibulong na lamang sa dalawang hosts.

“Secret lang. Secret na lang [natin]. Ayoko 'yun,” sagot ni Arman bago ibinulong kina Mikee at Chef Ylyt.

“Kilala ko 'yun, ah!” matinding reaksiyon naman ni Chef Ylyt.

Related gallery: Get to know the new content creators of Status by Sparkle

Pinaliwanag naman ni Arman Salon ang naging karanasan niya sa mystery content creator.

Aniya, “Nag-content kami tapos parang malamig lang. Hindi mataray.”

Ngunit ayon sa kaniya ay nabawi rin naman ang lamig sa pagitan nila at nagkagaanan na ng loob kinalaunan.

Kuwento ni Arman ay humihiyaw pa ang nasabing content creator at ginagaya ang kaniyang delivery ng kaniyang iconic TikTok skit, “Kamusta na?! Ano na?!”

“Parang feeling close na kami,” dagdag ni Arman.

Samantala, grateful naman si Arman na naging mabubuti sa kaniya ang mga artistang nakasalamuha at nakatrabaho nito.

Aniya ay wala raw siyang nakitaan ng attitude sa mga ito.

“Ay, wala. Mababait. Salamat talaga at wala; lahat sila parang… noong nakita ako, imbes na ako [ang yumakap] sa kanila, sila ang [yumakap],” kuwento ni Arman.

Dagdag pa ng TikTok star, “Talagang down to earth sila kaya napakapalad ko.”

Excited namang binahagi ni Arman na mapapanood na rin siya sa mga upcoming shows ng GMA Network sa mga susunod na panahon.

“Sa teleserye, abangan niyo ako, ha. Sunod-sunod na 'yun!” pag-imbita ni Arman sa mga supporters.

Panoorin ang Lutong Bahay, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m., sa GTV.

RELATED GALLERY: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/22472/year-in-review-tiktok-trends-of-2024/photo