
Natutuwa ang GMA Integrated News pillar na si Arnold Clavio sa agarang aksyon na ginawa ni Makati City Mayor Abby Binay nang pumutok sa social media nang mapalitan ang street sign na Gil Puyat Avenue ng "Gil Tulog" Avenue.
Ayon sa ulat ng GMA News Online, nagsalita ang granddaughter ni late Senate president Gil Puyat na si Erika Puyat Lontok sa pagpapalit ng pangalan para sa isang advertising campaign.
Sabi nito sa Facebook, “Besmirching my late great grandfather's name to sell freaking melatonin is so disrespectful!”
Sa isang pahayag, sinabi naman ni Mayor Abby na ni-reprimand niya ang opisyal na nagbigay pahintulot na palitan ang street sign na Gil Puyat Avenue.
Aniya, “The city officials who issued the permit should have exercised prudence. They should have been more thorough… I have already reprimanded these officials for this glaring oversight.
Nagpaabot din ng paumanhin si Mayor Binay sa pamilya ni Senator Puyat. Sabi nito sa isang statement, “Humihingi ako ng paumanhin sa ating mga kababayan at sa pamilya ni dating Senate President Puyat. These signs have been taken down on my instruction.”
Nagpasalamat si Arnold sa mabilis na aksyon ni Mayor Binay sa nakakalungkot na pangyayari na ito.
Sabi ng multi-awarded Unang Hirit host sa post nito sa Instagram, “Mabilis ang naging aksyon ni Makati Mayor Abby Binay. Pinagbabaklas na kagabi ang mga street signs na Gil Tulog Ave. Maraming salamat Mayora.”
Dito, ipinaliwang din ng GMA Integrated News anchor ang kontribusyon ni Senate President Puyat sa ating bansa.
Aniya, “Isa pa ay ang kawalang respeto kay dating Sen. Gil Puyat Sr.
“Sa mga hindi nakakakilala kay Sen. Puyat , Sr. , siya ay nahalal na Senador noong 1951 at naglingkod sa Senado hanggang ipasara ito noong Martial Law taong 1972.
“Noong 1967, si Puyat Senate President. Maraming Salamat.”
Check out these vintage photos of celebrities