GMA Logo Arra San Agustin and Jenzel Angeles in Tadhana
What's on TV

Arra San Agustin at Jenzel Angeles, magkapatid na may love triangle sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published April 12, 2024 4:12 PM PHT
Updated April 12, 2024 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin and Jenzel Angeles in Tadhana


Magkapatid, masusubukan ang samahan dahil sa isang lalaki?

Sa Tadhana: Sister's Keeper, mapapanood ang kuwento ng dalawang magkapatid na sinubok ng trahedya at pagibig.

Nagtrabaho sa Turkey si Grace (Arra San Agustin) para mapag-aral ang kanyang bunsong kapatid na si Marife (Jenzel Angeles).

Pero lahat ng pangarap niya para sa kanyang pamilya, sabay na gumuho nang tamaan ng malakas na lindol ang Turkey at hindi na siya muling nakita ng kanyang pamilya sa Pilipinas.

Magmula nang salantain ng lindol ang bansang Turkey, hindi na mapakali ang pamilya ni Grace sa Pilipinas dahil wala pang balita kung nakaligtas ang babae sa trahedya.

Dalawang buwan na ang lumipas pero wala pa ring balita kung nakaligtas si Grace sa trahedya. Kaya naman para tumulong mabayaran ang utang ng kanyang pamilya, tumigil sa pag-aaral si Marife. Dahil parehong nangungulila sina Warren (Yasser Marta) at Marife sa inakala nilang pagkawala ni Grace, natagpuan nila ang kanilang mga sarili na nahuhulog sa isa't isa.

Sa paglipas ng mga buwan, mas lalong naging malapit sa isa't isa hanggang sa magbunga na ang kanilang pagmamahalan.

Ang akalang bagong kabanata nina Warren at Marife, mauudlot bigla ng biglang magbalik sa Pilipinas si Grace.

Sa pagbabalik ni Grace natuklasan nito ang lihim na itinatago ng kanyang nakababatang kapatid na si Marife.

Imbes na maging masaya ang pamilya ni Grace sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, tila unti-unting magkakagulo ang kanilang tahanan.

Mapatawad pa kaya niya ang bunsong kapatid sa oras na malaman nito ang katotohanan?

Abangan ang natatanging pagganap ni Arra San Agustin, Yasser Marta, Jenzel Angeles, Bernadette Alysson-Estrada, Donna Cariaga at Cora Buenaventura.

Samahan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at huwag palalampasin ang pagpapatuloy ng Tadhana: Sister's Keeper Part 2, ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.

Panoorin ang video: