
Sa isang online exclusive ng Tadhana, sinagot ng Tadhana: Pamilya stars na sina Andrea del Rosario at Katya Santos ang ilang maiinit na tanong sa kanila.
Tanong ng TikTok star na si Trixie Lalaine o Cocomelon, "Sino ang mas maaga dumadating sa set sa inyong dalawa?"
Tinuro agad ni Katya si Andrea sabay sabi, "Mas maaga 'to, may side ito na kunwari nag-usap kami, tara 5 p.m. Mga 4 p.m. pa lang [mag-memessage siya] 'Nasaan ka na?'"
Paliwanag ni Andrea, "Kasi tatlo po 'yung kapatid kong lalaki, ako lang 'yung girl. Kapag hindi ako mabilis, ako ang mahuhuli sa paggamit ng banyo. So naging training ko 'yun."
Natigilan naman ang dalawa sa sunod na tanong ni Cocomelon, "Sino ang pinakamaraming nakarelasyon sa showbiz?"
Saad ni Katya, "Feeling ko mas marami ka, kasi 'yung sa akin, non-showbiz eh."
Sagot naman ni Andrea, "Ayaw ko ng showbiz, actually."
Dagdag ni Andrea, "Pero ever since, hindi ako [ma-showbiz], usually foreigner."
Binalikan din ni Katya ang kanilang pagiging miyembro ng Viva Hot Babes, "Nung time ng Hot Babes, wala naman kasi tayong masyadong nakakasamang mga lalaki. Lagi kaming group."
"At kapag may nakaka-date tayo, mas vain sila sa'tin!" Biro ni Andrea.
Patuloy na panoorin ang Tadhana tuwing Sabado 3:15 p.m. sa GMA-7.
Panoorin ang kanilang buong interview:
SAMANTALA, TIGNAN ANG ENGAGEMENT PHOTOS NI KATYA SANTOS SA JAPAN: