GMA Logo Arra San Agustin at Nikki Co
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Arra San Agustin at Nikki Co, bibida bilang mga magulang ng sanggol na muli umanong nabuhay sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published June 29, 2022 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin at Nikki Co


Abangan sina Arra San Agustin at Nikki Co bilang sina Michelle at Darwin sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Tampok ngayong Sabado sa "Baby... muling nabuhay?" episode ng Wish Ko Lang ang misteryosong kuwento tungkol sa inilibing na sanggol na muli umanong nabuhay.

Gaganap na mga magulang ng nasabing sanggol sina Arra San Agustin at Nikki Co bilang sina Michelle at Darwin.

Makakasama rin nila sa episode na ito sina Via Veloso, Allan Paule, Geraldine Villamil, at Anton Amoncio.

Labis ang kalungkutang naramdaman ni Michelle nang mamatay ang kanyang sanggol. Kaya naman agad niya itong pinuntahan sa libingan nang malamang may nakarinig umano sa pag-iyak nito mula sa hukay.

Posible nga bang muling nabuhay ang namatay na anak nina Michelle at Darwin?

Huwag palampasin ang misteryosong kuwento na ito ngayong Sabado, July 2, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Arra San Agustin sa gallery na ito: