
Kakaibang drama naman ang pagsasamahan ng Lolong stars na sina Arra San Agustin at Shaira Diaz sa kanilang paglalaro sa The Wall Philippines ngayong Linggo.
Sa teaser ng ikalawang episode ng game show, mapapanood ang intense na paglalaro ng dalawang aktres kasama ang TV host na si Billy Crawford. Si Arra ang napiling sumalang sa isolation room kung saan sasagot siya ng iba't ibang mind blowing questions habang si Shaira naman ang maiiwan sa stage upang magkasa ng bola patungo sa wall.
Magtagumpay kaya ang dalawa na makapag-uwi ng higit sa P10 milyon?
Samantala, panalo naman ang naging pilot episode ng nasabing game show kung saan buena manong naglaro ang rumored reel-to-real couple at What We Could Be stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na nag-uwi pa ng halos P2 milyon mula sa kanilang paglalaro.
Panoorin ang The Wall Philippines kasama si Billy tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.
SILIPIN NAMAN ANG BEAUTIFUL FRIENDSHIP NINA ARRA AT SHAIRA SA GALLERY NA ITO: