
Wagi ng halos dalawang milyong piso ang lead stars ng Kapuso series na What We Could Be at rumored reel-to-real couple na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa kanilang paglalaro sa pilot episode ng The Wall Philippines kasama ang multi-talented TV host na si Billy Crawford nitong Linggo, August 28, sa GMA.
Sa nasabing episode, sumalang sina Miguel at Ysabel sa tatlong rounds na may kaakibat na matitinding mga hamon mula sa The Wall.
Sa first round o free fall round, nakakuha ng PhP65,342 ang dalawa, nadagdagan pa ito sa second round kung saan naging PhP145, 341 ang kanilang total amount sa cash bank hanggang sa third round, kinailangan nang magkahiwalay na maglaro nina Miguel at Ysabel.
Si Ysabel ang sumalang sa isolation room upang sumagot ng random questions habang si Miguel naman ay naiwan kasama ni Billy upang magkasa ng bola sa wall. Sa galing ng diskarte ni Miguel at galing sa pagsagot ni Ysabel ay nakakuha sila ng apat na green balls at dalawa sa mga bolang ito ang bumagsak 1 million money bin na first time nangyari sa The Wall Philippines history. Dahil dito, umabot sa PhP2, 295, 243 ang total amount sa kanilang cash bank.
Ngunit sa mga sumunod na tanong, nagkaroon ng ilang maling sagot si Ysabel na katumbas ng red balls. Bumagsak ang isang pulang bola sa 400k money bin kung kaya't naibawas ito sa kanilang total amount.
Sa isolation room, pinadalhan din si Ysabel ng guaranteed money contract kung saan maaari silang mag-uwi ng sure money na maaaring mas mababa o mas malaki sa total amount na nakuha ni Miguel kung pipirmahan niya ito. Ngunit pinili ni Ysabel na magtiwala sa amount na nabuo ni Miguel kung kaya't naiuwi nila ang PhP1,995,042.
Sa Instagram, agad na ibinahagi nina Miguel at Ysabel ang kanilang winning moment.
"Luck, teamwork and trust are the main ingredients of our @thewallphofficial's pilot episode. But not only that, it's mainly because we are both blessed. Blessed to be able to give back and help our Kapuso Foundation. Grateful to The Wall for giving us the opportunity to help those who are in need. Great job earlier, teammate @ysabel_ortega!" caption ni Miguel sa kanyang post na hindi makapaniwala sa kinalabasan ng kanilang paglalaro.
Saad naman ni Ysabel, "1.9 MILLION!! Make way for the millionaires!! Thank you @thewallphofficial!!"
Agad naman na binati ang dalawa ng Kapuso actor na si Rayver Cruz at kapwa nila Voltes: V Legacy actors na sina Carla Abellana at Radson Flores dahil sa kanilang pagkapanalo.
Panoorin naman sina Miguel at Ysabel sa kanilang first Kapuso series together na What We Could Be ngayong gabi na sa GMA Telebabad.
Abangan ang susunod na milyonaryo sa The Wall Philippines, tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.
SILIPIN ANG ILANG SWEET PHOTOS NINA MIGUEL AT YSABEL SA GALLERY NA ITO: