GMA Logo Arra San Agustin and Shaira Diaz
Source: shairadiaz_ (Instagram)
What's on TV

Arra San Agustin at Shaira Diaz, panalo ng P799k sa 'The Wall Philippines'

By Jimboy Napoles
Published September 4, 2022 6:47 PM PHT
Updated September 5, 2022 8:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin and Shaira Diaz


Congratulations, Arra and Shaira!

Panalo nang halos P800,000 ang leading ladies ng top-rating GMA action series na Lolong na sina Arra San Agustin at Shaira Diaz sa kanilang paglalaro sa ikalawang episode ng The Wall Philippines sa GMA, Linggo, September 4.

Sa nasabing episode, smooth ang naging first round ng game para sa dalawa pero pagdating sa second round ay dito na naging mainit ang paglalaro ng dalawa.

Si Arra ang sumalang sa isolation room upang sumagot ng random questions habang si Shaira naman ay naiwan kasama ang game show host na si Billy Crawford upang magkasa ng bola sa wall.

Sa nasabing round halos maubos ang naipong pera ng dalawa sa cash bank nang mapunta sa 100k ang isang red ball dahil ang amount na ito ay ibabawas sa kanilang total amount of money.

Sa third round naman, mali ang naging sagot ni Arra sa isang tanong kung kaya't ang bola na ikinasa ni Shaira ay naging red at bumagsak pa ito sa 500k na mas malaki pa sa naipon nilang pera na nasa 30k na lamang. Dahil dito, bumalik sa zero money ang dalawa.

Hanggang sa nakabawi ang dalawa sa ikatlong tanong sa third round kung saan tumama na ulit si Arra sa kaniyang sagot na "Mercury" sa tanong na, "Anong planet ang may craters na ipinangalan kina Jose Rizal at Francisco Balagtas?"

Dito ay napatalon at napatili si Shaira dahil ang kaniyang triple up combination ay nagresulta sa amount na P1,400,100. Ngunit muling nabawasan ang amount na ito nang dalawang beses na bumagsak sa 300k at 100 ang mga red balls.

Sa isolation room, pinadalhan din si Arra ng guaranteed money contract kung saan maaari silang mag-uwi ng sure money na maaaring mas mababa o mas malaki sa total amount na nakuha ni Shaira kung pipirmahan niya ito. Ngunit pinili ni Arra na magtiwala sa amount na nabuo ni Shaira kung kaya't naiuwi nila ang P799,900.

Abangan ang susunod na milyonaryo sa The Wall Philippines, tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.

SILIPIN NAMAN ANG BEAUTIFUL FRIENDSHIP NINA ARRA AT SHAIRA SA GALLERY NA ITO: