
Isa sa mga regular guest sa hit sitcom na Happy ToGetHer ang Sparkle actress na si Arra San Agustin na gumaganap bilang Shelly na girlfriend ng karakter ni John Lloyd Cruz na si Julian.
Hindi na bago kay Arra ang comedy, dahil naging official cast member na siya noon ng Kapuso gag show na Bubble Gang.
Sa eksklusibong panayam sa StarStruck beauty ng GMANetwork.com sa kaniyang 28th birthday celebration na idinaos noong April 25, nagkuwento ito tungkol sa kaniyang co-star.
Lahad ni Arra tungkol sa award-winning actor, “Na-realize ko lang kung gaano siya [John Lloyd Cruz] katalino and kung gaano siya ka-deep. And kung gaano siya ka-rich in life.”
Paliwanag pa ng versatile actress, “Rich, meaning alam mo 'yun with his values, with his perspective in life.”
“And its inspiring to me na may maka-work ako na ganun, may makausap ako ng ganun klaseng tao.”
Dahil nakakailang cycle na rin ng taping si Arra kasama ang cast and crew ng Happy ToGetHer, nagpaabot din ito ng pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kaniya.
Saad niya, “'Yung Happy ToGetHer, I'm happy na nasa Happy ToGetHer ako and sobra nag-e-enjoy ako kasama 'yung mga cast mates ko. Sila Direk Bobot [Mortiz] and sobrang thankful din ako na inampon nila ako sa show na 'to.”
“Masaya ako na nagtagal 'yung character ko na si Shelly sa Happy ToGetHer. Sobrang grateful ako sa buong production team kina Direk [Bobot], pati sa mga producers. And siyempre lalo na rin kay John Lloyd, ayun napakagandang experience and I'm very honored na nakasama ako sa show nila.”
Mapapanood ang Happy ToGetHer sa Sunday Grande sa gabi, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
(With interviews by Jimboy Napoles)
TINGNAN ANG MGA STUNNING LEADING LADIES NI JULIAN DITO: