GMA Logo Bobot Mortiz, Arra San Agustin
What's on TV

Direk Bobot Mortiz, may ikinuwento tungkol kay Arra San Agustin

By Jimboy Napoles
Published April 26, 2023 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Bobot Mortiz, Arra San Agustin


Bukod sa sweet birthday message, may rebelasyon din si Direk Bobot Mortiz tungkol sa Kapuso actress na si Arra San Agustin.

Isa ang batikang direktor na si Bobot Mortiz sa mga espesyal na bisita ng Kapuso actress na si Arra San Agustin sa kanyang 28th birthday celebration, Martes ng gabi, April 25.

Si Direk Bobot ang direktor ng weekend sitcom ng GMA na Happy ToGetHer na pinagbibidahan ng aktor na si John Lloyd Cruz kung saan leading lady niya si Arra.

Sa nasabing birthday party, eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com si Direk Bobot. Kuwento niya, hindi pa man nag-uumpisa ang nasabing sitcom ay gusto na niyang kuhanin si Arra upang makapareha ni John Lloyd.

Kuwento niya, “Actually bago pa magsimula itong show, siya 'yung pinakukuha ko e, kaya lang may ginagawa [pa] siyang [ibang] show kaya noong lumibre siya, talagang sinubukan namin, nag-work naman siya doon sa character na binigay namin.”

Ayon pa kay Direk Bobot, bumilib siya kay Arra dahil sa ipinakita nitong galing sa comedy at hindi ito na-intimidate sa seasoned actor na si John Lloyd.

Aniya, “Nakakatuwa kasi bihira 'yung ganun na, unang una, ka-partner niya si John Lloyd, hindi siya na-intimidate ni Lloydie, dahil sinusuportahan naman siya ni Lloydie. So kay Arra, bilib na bilib ako dahil okay 'yung timing niya at bagay na bagay siya sa show namin.”

Samantala, present naman sa nasabing birthday celebration ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Arra sa showbiz gaya nina Ken Chan, Gladys Reyes, Gil Cuerva, Prince Clemente, Chariz Solomon, at marami pang Kapuso stars.

SILIPIN ANG PRETTIEST PHOTOS NI ARRA SAN AGUSTIN SA GALLERY NA ITO: