
May bagong awiting hatid ang pinag-uusapan at inaabangan na GMA News TV show na The Lost Recipe.
Nitong nakaraang Linggo, nag-record si Arra San Agustin ng kantang “Walang Makakapigil” para sa fantasy romance series. Ito ay idadagdag sa mga kantang parte ng soundtrack ng The Lost Recipe.
Kuwento ni Arra, masayang-masaya siya sa pagiging parte ng The Lost Recipe dahil sa kanyang kanta na “Walang Makakapigil.”
“Sobrang happy and proud and thankful and appreciative. Grabe 'yung bilib at tiwala na binigay sa akin at super thankful ako doon.”
Photo source: The Lost Recipe
Inamin naman ni Arra na pangarap niyang makapag-record ng sariling kanta at ito ay natupad sa dati niyang serye na Madrasta. Ngayon naman ay nakapag-record siya ulit para naman sa The Lost Recipe.
“Dream ko magkaroon ng sarili kong recorded track, and 'Madrasta' made it happen for me. And now recording a second track, I feel super happy and blessed!”
Isa sa ibinahagi ni Arra sa GMANetwork.com ay kung siya ba ay nakaka-relate sa kantang “Walang Makakapigil.”
Pag-amin ni Arra, “'Yung kumakanta nito gusto niya iparating sa minamahal niya na kahit malayo sila at di nagkakasama, mahal na mahal niya ito at mananatiling siya lang para sa puso ng singer.”
Dugtong pa ni Arra, nakaka-relate siya sa ibang paraan sa kantang ito.
“Relate ako pero not in a romantic relationship sense. 'Yung malayo ako sa family ko, mga mahal ko, at gusto ko din ipa-feel sa kanila na mahal ko sila.”
Sa huli ay inamin pa niya na nakaka-proud ang achievements ng seryeng The Lost Recipe.
“I'm proud of the team behind 'The Lost Recipe.'”
Dugtong pa niya, “Sobrang deserve nila 'yung blessings, 'yung taas ng rating, 'yung magandang feedback ng mga tao kasi grabe 'yung hard work nila para dito.
RELATED CONTENT:
'The Lost Recipe's' theme song "Aabutin," now available for download and streaming
Mojofly, ilang Clashers, at cast ng 'The Lost Recipe,' bahagi ng OST ng programa