
Trending at namamayagpag ang magandang reviews sa fantasy-romance series na The Lost Recipe na pinagbibidahan ninan Kelvin Miranda at Mikee Quintos. Ginagampanan nila ang roles nina Chef Harvey at Chef Apple sa programang hatid ng GMA Public Affairs.
Photo source: The Lost Recipe
Consistent sa pangunguna sa Philippine top trends ang programa pati na rin sa mga reviews. Maging sa ratings game ay umaarangkada na rin ito.
May mga Kapuso stars rin ang na-hook sa istorya ng The Lost Recipe at ilan sa mga ito ay sina David Licauco at Benjamin Alves.
Si Direk Jose Javier Reyes ay nagpahayag rin ng paghanga sa programa. Ayon sa kanya, "This is the best GMA pilot I have seen for the longest time."
Subaybayan ang mas kapanapanabik na kuwento ng The Lost Recipe, 8:00 p.m. sa GMA News TV.
RELATED CONTENT:
Kelvin Miranda at Mikee Quintos, nagpasalamat sa suportang natanggap ng 'The Lost Recipe'
Viewers, netizens rave about 'The Lost Recipe'