
Halos pitong taon na ngayon sa showbiz si Kapuso actress Arra San Agustin.
Nagsimulang makilala ang ngayo'y Lolong actress nang sumali siya sa ikaanim na season ng reality talent competition na StarStruck noong 2015 at napasama sa Top 6 finalists nito.
abigyan ng big break si Arra nang gampanan ang papel ni Ariana, ang sarkosi ni Amihan (Kylie Padilla), sa Encantadia noong 2016 at makuha ang lead role sa Afternoon series na Madrasta noong 2019.
Sa eksklusibong interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Arra ang pinakamalaking achievement ngayon sa showbiz.
Dahil noon pa man ay pangarap na niyang maging isang recording artist, itinuturing ni Arra na isa sa pinakamalaking achievement ang kauna-unahan niyang single, ang "Hanggang Dito Na Lang," na inilabas na noong July 29.
"In line of this music career, ito na, ang magkaroon ako ng sarili kong single," sabi ni Arra.
Dagdag niya, "Sa acting naman, mag-lead. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala. May times na... alam mo 'yun, siyempre, we're just human na minsan namamaliit mo 'yung sarili mo, pero 'Wow,' napakalaking achievement na nito para sa akin. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganitong opportunity."
Patuloy na mapapanood si Arra bilang Bella sa action adventure series na Lolong, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG PRETTIEST PHOTOS NI ARRA SAN AGUSTIN DITO: