GMA Logo Arra San Agustin
What's on TV

Arra San Agustin, nagamit ang natutunang Muay Thai sa fight scenes ng 'Mga Lihim ni Urduja'

By Aimee Anoc
Published February 22, 2023 7:32 PM PHT
Updated February 23, 2023 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jellyfish bloom observed along Taytay, Palawan coastline
P5 increase in tricycle fare in Dumaguete City sought
Libreng papsmear at breast examination, handog ng GMAKF sa bayan ng San Miguel | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Arra San Agustin


Abangan si Arra San Agustin bilang Valencia sa bagong megaserye ng GMA, ang 'Mga Lihim ni Urduja.'

Simula February 27, makikilala na ang bagong karakter na gagampanan ni Arra San Agustin sa primetime sa pinakabagong megaserye ng GMA, ang Mga Lihim ni Urduja.

Makakasama ni Arra sa naturang mega serye ang Jewels of Primetime na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Sa naganap na Playlist Live noong February 22, ikinuwento ni Arra na nagamit niya ang kaalaman sa martial arts sa mga fight scenes sa serye.

"Noong bata ako nag-taekwondo ako hanggang white belt so basically hindi ko s'ya tinapos. Tapos nag-aikido ako hanggang yellow belt lang ako, tapos nag-stop ako kasi ang dami ko talagang gustong gawin. After ko mag-aikido bigla akong nag-ice skating, nag-ballet," kuwento ng aktres.

Pagpapatuloy niya, "And then noong nag-Encantadia ako kinailangan ko ng martial arts training. Doon ako biglang nag-try mag-boxing, muay thai, so doon ko siya sinimulang pag-aralan.

"Kasi sabi nung mga fighting directors namin na okay raw 'yung muay thai sa mga fight scenes. So ayon, ever since nagmu-muay thai na ako, nagba-boxing na ako, ginagawa ko na s'yang exercise. And then nag-Urduja, so I guess nagagamit-gamit ko 'yung sipa sipa sa muay thai.

Sa Mga Lihim ni Urduja, makikilala si Arra bilang Valencia, isa sa "Bounty Hunters" at "nakakainis" na karakter sa serye.

Ayon kay Arra, ang pagganap sa karakter niyang ito ang isa sa pinaka-memorable sa kanya sa set.

"'Yung role ko rito ay si Valencia, mahilig s'yang mag-disguise so palagi s'yang plakado, palaging avant garde 'yung mga makeup look n'ya, palagi siyang colorful. Siya lang 'yung colorful sa aming grupo at saka si Pancho [Magno].

"Ano siya rito fashionista, she's very stylist, complete opposite of me kasi basic lang lagi akong manamit, lagi lang akong naka-sweater. Ang ganda talaga nung biglang switch kasi from Arra to Valencia, sobrang ibang-iba so ang sarap n'yang laruin. Sobrang tuwang-tuwa ako sa karakter ko kasi iba s'ya sa lahat ng mga na-play ko and she's evil.

"I've never played any character na evil. Kasi parang sa akin kailangan kong i-justify kung bakit ako ganu'n? As Arra syempre minsan parang, 'Hala, bakit ganyan ka?' Medyo naja-judge mo s'ya pero ikaw as Valencia hindi mo pwedeng i-judge 'yung sarili mo kasi ikaw 'yun, mga desisyon mo 'yan, 'yan 'yung gusto mo, 'yung ikinasasaya mo. So kailangan kong mahanapan ng justification kung bakit ganito mag-isip si Valencia, 'yung character ko," pagbabahagi ni Arra.

Masaya si Arra na mapabilang sa bagong mega serye na ito ng GMA, na aniya ay "sobrang pinaghirapan" ng lahat.

"Very collaborative ang bawat isa rito hindi lang 'yung [production], hindi lang 'yung director. Pero kaming mga artista talagang iniinputan talaga namin 'yung mga character namin.

"Ang sarap din pala sa pakiramdam na may ganito kalaking creative freedom ka na nirerespeto rin ng mga direktor at saka ng production namin. And nakakatulong s'ya, nabuo namin 'yung characters namin dahil sa mga ideas din ng bawat isa.

"Actually kahit 'yung character ko, hindi lang ako 'yung nagbuo pero 'yung mga ka-team ko mga 'Bounty Hunters,' parang 'Ganito ka, ganito si Valencia. Ganito 'yung mga nuances n'ya.' Tapos ako naman mapi-pick up ko rin 'yan, kuha ako nang kuha sa mga suggestions nila at saka sa mga suggestions ko, sa interpretation ko sa character ko. Ang sarap buuhin nung character, nag-enjoy talaga ako na bumuo ng structure ng character ko."

Abangan ang world premiere ng Mga Lihim ni Urduja ngayong February 27, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG MGA KAGANAPAN SA MEDIA CONFERENCE NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: