
Aminado si Kapuso star Arra San Agustin na inalagaan siya ng husto ng kaniyang mga magulang noong kabataan niya, at sinabing naging protective ang mom and dad niya sa kaniya. Ngunit ayon sa aktres, meron ding pros and cons ang pagiging protective nila.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, December 27, ay kinamusta ni King of Talk Boy Abunda kung papaano inalagaan si Arra ng kaniyang mga magulang. Ani aktres, protective sila physically and mentally.
“I feel like ito, wala akong peklat kasi inaalagaan talaga ako ng mom ko. Like ayaw niya akong masugatan or pag nasugatan ako nu'ng bata ako, talagang tutok siya, kailangan, sa isip niya, hindi ka puwedeng magkapeklat. Lalagyan niya ng mga gamot, hindi niya pababayaan,” pagbabalik-tanaw ni Arra.
Ngunit ayon sa aktres, isa sa cons ng pagiging overprotective nila ay hindi siya hinahayaan lumabas ng bahay. Dahil dito ay wala siyang mga kaibigan na kapitbahay, at sa halip, ay mga kaibigan lang mula sa school.
BALIKAN ANG BEACH BABE PHOTOS NI ARRA NA IPINAPAMALAS ANG KANIYANG FLAWLESS SKIN SA GALLERY NA ITO:
Pagdating naman sa boys at dating, inamin ni Arra na hanggang college ay pinagbawalan siya ng mga ito.
“Bawal akong magkaroon ng boyfriend. Pero siyempre, nu'ng college, matigas na 'yung ulo ko, medyo malayo na'ko, nagkaroon ako ng boyfriend pero tago. Nagko-condo po ako e, nu'ng college. Kaya mas naitatago ko,” sabi ng aktres.
Ngunit kahit may cons ang pagiging overprotective ng mga magulang niya ay meron pa ring pros o magagandang naidulot ito, kabilang na ang pagiging strong-minded ng aktres dahil sa turo ng kaniyang mga magulang.
“'Yung dad ko, 'yung isip niya, 'Dapat ikaw ' yung leader, dapat ganito ka, hindi ikaw 'yung ini-influence ng friends mo, dapat ikaw 'yung mag-influence ng friends mo.' Ganu'n 'yung mindset po niya,” sabi ng aktres.
Pagpapatuloy ni Arra, “And I'm very grateful, kasi I like how I grew up, I like me. Gusto ko 'yung values ko, gusto ko 'yung my principles, and lahat naman po 'yun galing sa parents ko.”
Panoorin ang buong panayam kay Arra dito: