GMA Logo art angel
What's Hot

'Art Angel,' magbabalik sa telebisyon

By Jansen Ramos
Published January 10, 2023 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

art angel


Mapapanood ang award-winning educational children show na 'Art Angel' at iba pang past GMA child-friendly programs na 'Alamat' at 'Ang Mahiwagang Baul' sa GMA digital channel na 'Pinoy Hits.'

Muling mapapanood sa telebisyon ang ilang kinagiliwang GMA child-friendly programs via Pinoy Hits, ang bagong digital channel ng network na available sa GMA Affordabox at GMA Now.

Kabilang diyan ang award-winning educational show na Art Angel, na ipinalabas mula April 2004 hanggang May 2011. Matatandaang nagkaroon ito ng rerun sa GMA-7 noong 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Tampok dito ang iba't ibang arts and crafts activities ng Art Angel hosts na sina Pia Arcangel at Tonipet Gaba, kasama si Krystal Reyes. Naging host din ng programa si Roxanne Barcelo.

Bukod pa rito, mapapanood din ang segments na “Main Project,” “Art Iba Pa,” “Pintado,” “Lights, Camera, Obra!,” “Kuwento na, Obra pa!,” at “Munting Kamay."

Mapapanood ang Art Angel sa Pinoy Hits tuwing Linggo, 5:30 ng umaga hanggang 6:00 ng umaga.

Samantala, ipapalabas din sa bagong digital channel ang drama fantasy anthologies na Alamat (6 a.m.) at Ang Mahiwagang Baul (7 a.m.) tuwing Linggo.

Tingnan dito ang kumpletong listahan ng mga programang mapapanood sa Pinoy Hits.

Maaari ring mapanood ang ilang kid-friendly GMA programs sa YouTube channel na GMA Playground.

NARITO ANG LISTAHAN NG GMA CHILDREN SHOWS NA PWEDENG I-STREAM ONLINE: