GMA Logo Asawa Ng Asawa Ko
Source: GMADrama (IG)
What's on TV

'Asawa Ng Asawa Ko,' mas maagang mapapanood ngayong Martes

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 31, 2024 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Nearly 100 families displaced by demolition in Davao City
BOC extends importer accreditation validity to three years

Article Inside Page


Showbiz News

Asawa Ng Asawa Ko


Mas maagang mapapanood ang 'Asawa Ng Asawa Ko' ngayong December 31 para magbigay daan sa 'Kapuso Countdown to 2025: Isa sa Puso'.

Para masalubong ang bagong taon nang sama-sama, mas maagang mapapanood ang GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko ngayong Martes, December 31.

Imbes na 9:35 p.m., eere ito ng 9:25 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream para magbigay daan sa Kapuso Countdown to 2025: Isa sa Puso.

Sa January 1 at January 2 naman, mas late na mapapanood ang Asawa Ng Asawa Ko na magsisimula ng 10:15 p.m.

Isang post na ibinahagi ni GMA Drama (@gmadrama)

Patindi na nang patindi ang mga eksena sa Asawa Ng Asawa Ko dahil unti-unti nang nalalaman ni Cristy (Jasmine Curtis-Smith) kung nasaan si Shaira (Liezel Lopez).

Sa episode mamaya, aaminin na ni Leon (Joem Bascon) na siya ang may kagagawan kung bakit nalaman ni Shaira ang pinagtataguan nina Cristy na naging sanhi ng pagkamatay nina Carmen (Gina Alajar) at Ka Usa (Elizabeth Oropesa).

Patuloy na panoorin ang huling dalawang linggo ng Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, sa GMA Prime at Kapuso Stream.