GMA Logo Ashley Ortega
What's on TV

Ashley Ortega, aminadong may pressure sa unang lead role sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published March 8, 2023 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Abangan si Ashley Ortega bilang Ponggay sa 'Hearts On Ice' ngayong March 13 sa GMA Telebabad.

Hindi pa rin makapaniwala si Kapuso actress Ashley Ortega na natupad na ang dream role niya sa kauna-unahang figure skating drama series ng bansa, ang Hearts On Ice.

Noon pa man ay pangarap na ni Ashley na magkaroon ng isang show tungkol sa sports na una nang naging parte ng buhay niya, ang figure skating.

Tatlong taong gulang pa lamang si Ashley nang pasukin niya ang mundo ng figure skating. Sa edad na lima, nagsimula na siyang lumaban sa iba't ibang local at international competitions tulad sa Thailand, Bangkok, Japan, Malaysia, at China.

Naging isang competitive figure skater si Ashley hanggang sa edad na 12, bago maging isang commercial model at aktres. Noong 2018, muling sumabak ang aktres sa figure skating competition sa naganap na Summer Skate sa SM Mall of Asia kung saan nakapag-uwi siya ng tatlong gold medals.

"I was really grateful na nakuha ko 'yung dream role ko, it was very unexpected. Siyempre with the help of the whole production, it happened. At first, at the back of my head, parang imposibleng mangyari. Nu'ng nalaman ko naiyak din ako but eventually it happened and I'm really really grateful," sabi niya.

Simula March 13, mapapanood na si Ashley sa kanyang unang lead role sa Hearts On Ice, kung saan siya ang napiling gumanap bilang si Pauline "Ponggay" Bravo. Kahit na may kapansanan, susubukin niyang abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater.

Ayon sa aktres, ngayong nagagawa na niya pareho ang acting at figure skating sa iisang serye, aminado siya na mayroong pressure.

"Now that I'm doing the two things that I love, acting and skating, nandoon din 'yung pressure sa akin kasi syempre ang taas ng expectations ng mga tao," pag-amin ni Ashley.

"Sinasabi ko rin kay Direk [Dominic Zapata] na kinakabahan ako, na airing na. Pero he would always tell me na, 'I got your back, you did a good job.' Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako at hindi pa rin nagsi-sink in lahat sa akin. I'm just really overwhelmed," dagdag niya.

Makakatambal ni Ashley sa Hearts On Ice ang multi-talented actor na si Xian Lim. Makakasama rin niya ang beterano at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.

Abangan ang world premiere ng Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: