GMA Logo Amy Austria
What's on TV

Amy Austria, gaganap na ina ni Ashley Ortega sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published March 1, 2023 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Amy Austria


Abangan si Amy Austria bilang Libay, ang ina ni Ponggay sa Philippines' first-ever figure skating drama series na 'Hearts On Ice.'

Isa sa mga dapat na abangan sa upcoming figure skating series na Hearts On Ice ang batikang aktres na si Amy Austria.

Sa Hearts On Ice, gaganap si Amy bilang si Liberty "Libay" Bravo, ang raketerang ina ni Ponggay (Ashley Ortega) na dating magaling na figure skater. Tinalikuran niya ang figure skating matapos na traydurin ng dating kaibigan.

Dahil sa pagnanais na maipagmalaki rin siya ng ina, kahit na may kapansanan ay susubuking abutin ni Ponggay ang naudlot na pangarap na ito ni Libay na maging isang matagumpay na figure skater.

Pagbibidahan ang Hearts On Ice ng dalawa sa mahuhusay na artista ngayon na sina Ashley Ortega at Xian Lim.

Makakasama rin nina Ashley at Xian sa seryeng ito sina Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Roxie Smith, Kim Perez, at Skye Chua.

Abangan ang world premiere ng Hearts On Ice simula March 13 sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: