
Mainit na sinalubong ng mga Kapuso ang Hearts On Ice lead stars na sina Ashley Ortega at Xian Lim sa naganap na Kapuso Mall Show ng GMA Regional TV sa KCC Convention and Events Center sa General Santos City.
Noong February 25, nakasama ng GMA Regional TV sa pagbibigay saya sa 34th Kalilangan Festival sa GenSan sina Ashley at Xian, gayundin ang TiktoClock stars na sina Kuya Kim Atienza, Jayson Gainza, at Faith Da Silva.
Kilig ang hatid ni Xian nang haranahin ng kantang "Pare Ko" ng Eraserheads ang mga taga-GenSan. Isang malakas na hiyawan naman ang napakinggan nang kantahin ni Ashley ang "Bulong" ni Kitchie Nadal.
Kapwa bibida sina Ashley at Xian sa upcoming figure skating series na Hearts On Ice, na mapapanood simula March 13 sa GMA Telebabad.
Makakasama rin nila sa serye sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, at Skye Chua.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: