
Magkasamang ipinagdiwang nina Hearts On Ice stars Ashley Ortega at Roxie Smith ang "World Ice Skating Day" noong Linggo, December 4.
Sa upcoming figure skating series ng GMA na Hearts On Ice, parehong gaganap na figure skaters sina Ashley at Roxie bilang sina Ponggay at Monique. Kasamang bibida ni Ashley sa nasabing serye ang multitalented actor na si Xian Lim.
Sa Instagram, ibinahagi ni Roxie ang naging pag-eensayo nila ni Ashley noong Linggo kasabay ng selebrasyon ng World Ice Skating Day.
Sulat ng aktres, "Happy World Ice Skating Day from Monique and Ponggay."
Noong November 26, nagsimula na ang taping ng cast ng Hearts On Ice kung saan ipinasilip ni Ashley ang ilan sa mga eksena nila ng mga batikang aktor na sina Lito Pimentel at Amy Austria.
Makakasama rin nina Ashley at Roxie sa Hearts On Ice sina Rita Avila, Tonton Gutierrez, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, at Skye Chua.
Abangan ang Hearts On Ice, soon sa GMA
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'HEARTS ON ICE RITO':