
Humabol si Ashley Ortega sa kanyang summer vacation bago tuluyang pumasok ang tag-ulan.
Sa report ni Athena Imperial para sa 24 Oras noong Miyerkules, June 4, ibinahagi ng Apoy sa Dugo actress ang kanyang quick getaway sa Bohol.
"One day lang ako nasa Bohol kasi may event akong pinuntahan, and then I flew back this morning tapos diretso na dito taping," kuwento ni Ashley.
Bukod sa kanyang maikling bakasyon, isa rin sa mga pinagkakaabalahan ni Ashley ang pagwo-workout upang mapanatili ang kanyang magandang pangangatawan at kalusugan.
"I love doing pilates on rest days kapag walang taping kasi three times a week 'yung taping. So, in between, tina-try ko talagang isingit 'yung pilates class para lumakas 'yung immune system ko," sabi ng aktres.
Ibinahagi rin ni Ashley ang kanyang kasiyahan sa pakikisalamuha sa mga taga-Bohol, lalo na't ramdam niya ang suporta ng mga ito sa kanilang serye.
"Even sa Bohol, may mga taong lumapit sa akin. Hindi nila alam kung tatawagin nila akong Kiara o Angel," kuwento niya.
Abangan ang mas tumitinding mga eksena sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: The sexiest looks of Ashley Ortega