GMA Logo Ashley Ortega
Photo source: sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Ashley Ortega, glowing bilang Reyna Elena

By EJ Chua
Published May 19, 2026 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mare, Ano'ng Latest? (May 19, 2026 )
Man found dead during flooding in Davao City
Check out the films featured in the 29th Cine Europa

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega


Namukod-tangi si Ashley Ortega bilang Reyna Elena sa ginanap na Santacruzan sa Santa Maria, Bulacan.

Mas lalong nagningning ang prusisyon sa Santacruzan dahil nagsilbing Reyna Elena ang Apoy sa Dugo actress na si Ashley Ortega.

Sa Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, kapansin-pansin ang taglay na ganda ni Ashley sa kanyang paglahok sa Santacruzan sa Barangay Tabing Bakod sa Sta. Maria, Bulacan.

Makikita sa video na glowing si Ashley sa kanyang white Filipiniana at head dress habang hawak ang krus bilang Reyna Elena.

Nakisabay rin ang aktres sa prusisyon sakay ng isang karosang napapalamutian ng mga bulaklak. Nag-alay rin si Ashley ng bulaklak para kay Mama Mary.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)



Maliban kay Ashley, nagsilbi namang Mayflower Queen ang The Master Cutter actress na si Shuvee Etrata sa Flores de Mayo sa Makati. Bumida rin siya bilang Reyna de las Flores sa Santacruzan sa Barangay Caypombo, Sta. Maria, Bulacan.

Samantala, mapapanood si Ashley sa Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.


RELATED GALLERY: Ashley Ortega, Shuvee Etrata, and other celebs who reigned in Flores De Mayo