
Kaabang-abang ang magiging final look ng Kapuso actress na si Ashley Ortega para sa inaabangang GMA Thanksgiving Gala ngayong July 30.
Kamakailan ay nag-initial fitting na ang aktres ng kanyang all-white ball gown na dinisenyo ng renowned fashion designer na si Renée Salud.
Ayon kay Ashley, mala-Audrey Hepburn na ice princess ang peg ng kanyang look na akma sa tema ng gala na Old Hollywood glam at kanyang personalidad.
Kuwento niya, "May halong part of my personality sa magiging look ko that night, so it's a mix of Old Hollywood na may modern ballerina basta it's something fresh and something elegant and classy."
Bukod sa nasabing gala, naghahanda na rin si Ashley para sa kanyang bagong proyekto sa GMA kung kaya't puspusan na rin ang kanyang training sa ice skating.
Aniya, "Soon malalaman din nila pero I think may mga hint na rin 'yung iba but I'm still waiting for the storycon and the final details."
Huling napanood si Ashley sa katatapos lang na suspense-series ng GMA na Widow's Web, at sa family drama series na Legal Wives.
Ang GMA Thanksgiving Gala ay magsisilbi ring fundraising event na bahagi ng selebrasyon ng ika-72 anibersaryo ng GMA Network.
SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG DRAMA ACTRESS NA SI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: