
Spotted si Ashley Ortega sa 50th birthday party ni Carmina Villarroel, ang mommy ng kanyang boyfriend na si Mavy Legaspi.
Source: Ashley Ortega (IG)
Si Ashley ay masayang naging parte ng sorpresa ng Legaspi family para kay Carmina.
Sa Instagram Stories, ibinida ng Sparkle star ang ilang photos na nakuhanan mula sa engrandeng selebrasyon.
Mapapansin din ang closeness nina Ashley at Carmina sa ilang photos na ibinahagi ng huli sa kanyang Instagram account.
Sa showbiz report ni Athena Imperial na ipinalabas sa 24 Oras nitong August 18, napanood ang pahayag ni Ashley tungkol sa event.
Ayon kay Ashley, “Sina Mavy at Cassy [Legaspi], they are good in planning. Siguro ang naging ambag ko sa party ay kumanta ako. Naging karaoke night kasi 'yun.”
Ibinahagi rin ng ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na isa sa mga paborito niyang nangyari sa party ay ang moment kung saan ipinahayag ng dad ni Mavy na si Zoren Legaspi ang kanyang sweet message para sa kanyang wife.
Kinumpirma ni Ashley ang totoong estado ng relasyon nila ni Mavy sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong February.
Bago ang big revelation na ito, naging usap-usapan sa social media ang Instagram posts nina Ashley at Mavy tungkol sa kani-kanilang Sinulog Festival experience at photos.
Related gallery: Real-life Kapuso couples that make us believe in love