
Ilang Kapuso celebrities ang nakiisa sa mga Cebuano sa pagdiriwang ng Sinulog Festival, ang tinaguriang Mother of all Festivals sa Pilipinas.
Kabilang sa kanila ay sina Mavy Legaspi at Ashley Ortega na parehas na pinag-uusapan ngayon sa social media.
Ipinasilip sa "Chika Minute" report sa 24 Oras nitong January 22, ang ilang moments nina Mavy at Ashley sa naturang festival.
Maraming netizens ang talaga namang kinilig sa photos together ng Sparkle stars.
Sa Instagram account ni Mavy, ilang larawan ang kanyang in-upload na kuha mula sa pagdiriwang at pakikisaya niya sa Sinulog Festival.
Kita sa mga ito ang photos niya kasama ang ilan sa kaniyang mga kaibigan, photos nilang dalawa ni Ashley na magkasama, at pati na rin ang solo photo ng Kapuso actress na tila si Mavy ang kumuha.
Mababasa sa comments section ng post ni Mavy ang positive reactions ng kanyang followers at fans tungkol sa sweet moments nila ni Ashley.
Mapapansin sa kanilang mga reaksyon na napapaisip na sila kung ano nga ba ang real score ng dalawa.
Samantala, bukod kina Mavy at Ashley, spotted din sa Sinulog Festival ang Widows' War stars na sina Bea Alonzo, Jean Garcia, Royce Cabrera, at Timmy Cruz.