GMA Logo Ashley Ortega as comfort woman in Pulang Araw
Courtesy: ashleyortega (IG)
What's on TV

Ashley Ortega, nais bigyan ng hustisya ang kanyang role na comfort woman sa 'Pulang Araw'

By EJ Chua
Published September 14, 2024 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega as comfort woman in Pulang Araw


Kaabang-abang ang istorya ng karakter ni Ashley Ortega sa historical drama na 'Pulang Araw.'

Mas kapana-panabik na mga eksena ang susunod na mapapanood sa Pulang Araw.

Matapos maipakilala si Ashley Ortega bilang si Sister Manuela, matutunghayan na sa serye ang mabigat na istorya tungkol sa kanyang karakter.

Mula sa pagiging madre, makikilala siya rito bilang isang comfort woman.

Sa latest Chika Minute report sa 24 Oras, nagbigay ng pahayag ang Sparkle actress tungkol sa kanyang role.

Ayon kay Ashley, “It's such a big responsibility for me to portray their narrative...”

Kasunod nito, inilahad ng aktres na mayroon siyang goal para sa kanyang karakter na si Sister Manuela.

Sabi niya, “Gusto ko talagang bigyan ng justice 'yung role para sa lahat ng comfort women. Iyon na rin 'yung parang tulong ko sa kanila.”

“I think it's about time for their stories to be told,” pahabol pa niya.

RELATED CONTENT: Rochelle Pangilinan, may isang hiling para sa 'Pulang Araw'

Binanggit din ni Ashley Ortega ang ilang dapat abangan sa kanyang role.

“May sariling story, may flashbacks din, magugulat na lang din kayo kasi may transition din si Sister Manuela,” pahayag niya.

Embed:xxxxxx

Patuloy na subaybayan ang Pulang Araw, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.