
Proud ang Kapuso actress na si Ashley Ortega sa kuwento ng kanyang karakter sa hit GMA series na Pulang Araw kung saan gumaganap siya bilang isang madre na kalaunan ay magiging isang comfort woman na aabusihin ng mga mananakop na Hapones.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Ashley, sinabi ng aktres na hindi niya noon naisip na gaganap siya bilang isang madre.
“Actually, excited akong gawin 'tong role kasi never ko naisip na magiging madre ako sa showbiz. Ngayon, kailangan kong aralin nang sobra kung paano ko titimplahin 'yung character ko kasi from being a nun, magiging masama ako dito,” ani Ashley.
Kuwento pa niya, “Kailangan ko rin ipakita sa kanila, ipaintindi sa kanila kung bakit din ako magiging masama kasi maraming mangyayari sa character ko dito. Sa tingin ko 'yun po 'yung mag-challenge sa akin kasi from being a nun, magiging comfort woman po ako. So yung switch niya.
“I have to prepare myself emotionally, mentally, and of course, spiritually as well.”
Sa Instagram kamakailan, nag-post si Ashley ng kanyang mga larawan sa taping ng Pulang Araw at ang kanilang naging pagbisita ni Sanya Lopez sa dalawang matandang babae na naging comfort women noong panahon ng Japanese occupation sa Pilipinas.
Ayon kay Ashley, ito na ang panahon upang maiparating sa lahat ang kuwento ng mga pinagdaanan nilang mga pang-aabuso sa kamay ng mga mananakop na Hapones.
“It would be my greatest honor and biggest responsibility to portray your narrative. It's about time your story should be heard.
“Pulang Araw proudly presents a Philippine Historical TV series that will tackle a momentous and pivotal moment in our country's history. Not only a story of patriotism and sacrifice but also of love and courage.
“Let our portrayal be a reminder of our countrymen's potential for greatness and the painful battles they fought and endured to attain the freedom we now enjoy today,” caption ni Ashley sa kanyang post.
Mapapanood na simula ngayong gabi, August 27, sa nasabing serye ang karakter ni Ashley bilang si Sister Manuela Apolonio.
Iikot ang kuwento ng Pulang Araw sa magkakababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones kabilang si Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).
Sa pagsiklab ng World War II, magiging mitsa rin ito ng iba't ibang mga problema sa buhay ng apat na magkakababata.
Subaybayan ang Pulang Araw sa free TV, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.
RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference