GMA Logo Ashley Ortega, Toniyuh, AC Bonifacio
Photo source: iamtoniyuh, PBB
What's Hot

Ashley Ortega, nire-create ang viral 'PBB' moment nila ni AC Bonifacio kasama si Toniyuh

By Karen Juliane Crucillo
Published January 29, 2026 1:54 PM PHT
Updated January 29, 2026 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala, 'winalis' ang kalabang Russian at nakalusot sa Round of 128 sa Madrid Open
Higher prices of rice may last until August 2026
Anne Curtis is the cover star of a lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega, Toniyuh, AC Bonifacio


Panoorin dito ang pagre-create ni Ashley Ortega ng iconic 'PBB' moment nila ni AC Bonifacio kasama ang content creator na si Toniyuh.

Napa-throwback si Ashley Ortega sa kanyang PBB Celebrity Collab Edition journey matapos niyang i-recreate ang viral moment nila ni AC Bonifacio na naging meme online kasama ang content creator na si Toniyuh.

Sa TikTok, ibinahagi ni Toniyuh ang kanilang re-enactment ni Ashley ng PBB eviction night. Makikita sa video na humahagulgol si Toniyuh habang nagbibigay ng mensahe si Kuya sa kanilang paglabas ng Bahay ni Kuya. Samantala, si Ashley naman ay nanatiling nakatulala lamang.

“May bangs na pala si AC [Bonifacio],” sulat ng content creator sa caption.

Sa comments section, maraming fans at followers ang naaliw sa kanilang re-enactment. Marami rin ang muling nagbalik-tanaw sa viral photo nina Ashley at AC.

@iamtoniyuh May bangs na pala si AC @Ashley Ortega #toniyuh #viral #fypシ゚ #fyp #foryou ♬ original sound - Toniyuh

Humakot ng halos 200,000 views ang collab video nina Ashley at Toniyuh.

Samantala, sa isa pang TikTok video, ibinahagi naman ni Toniyuh ang isang transition video kung saan ibinida niya ang kanyang bangs bago mag-transition kay Ashley na mayroon ring bangs.

“Transition ng bangs... Este ng face! Abangan kami sa "Apoy Sa Dugo" soon on GMA,” sulat niya.

@iamtoniyuh Transition ng bangs... Este ng face! Abangan kami sa "Apoy Sa Dugo" soon on GMA. @ortegaash #ApoySaDugo #toniyuh #viral #fyp #fypシ゚ ♬ original sound - Toniyuh

Mapapanood sina Ashley at Toniyuh sa upcoming GMA Afternoon Prime series Apoy sa Dugo. Makakasama rin nila sa serye sina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda.

Abangan ang Apoy sa Dugo simula March 2 sa GMA!

Samantala, balikan dito ang mga naging memes sa PBB Celebrity Collab Edition:

Tags: ashley ortega, toniyuh, content creator, pbb celebrity collab edition, pbb eviction night, tiktok, apoy sa dugo, gma afternoon prime, collab, meme, Filipino celebrities, celebrities, entertainment, entertainment news, showbiz news, showbiz news today, rss, rssfeed