
Patuloy ang taping ng pinakabagong sports drama series ng GMA, ang Hearts on Ice.
Ito ang kauna-unahang ice skating drama-serye ng bansa, na pagbibidahan ng versatile actress na si Ashley Ortega at ng multitalented actor na si Xian Lim.
Sa Instagram, ibinahagi ng screenwriter na si Jojo Nones ang ilan sa mga larawan nang naging pagbisita niya sa set kung saan makikita ang cast na sina Ashley at Amy Austria at ang Hearts on Ice director na si Dominic Zapata.
Nagbigay rin ito ng pasilip sa ilang emosyunal na eksena nina Amy at Lito Pimentel sa serye.
Nagsimula ang taping ng Hearts on Ice noong Nobyembre kung saan kapwa nagbigay ng pasilip sina Ashley at Xian sa mga karakter na kanilang gagampanan sa serye, bilang sina Ponggay at Enzo.
Ilan pa sa mga artistang makakasama nina Ashley at Xian sa serye ay sina Rita Avila, Tonton Gutierrez, Ina Feleo, Cheska Inigo, Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, at Skye Chua.
Abangan ang Hearts on Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG 'HEARTS ON ICE' SA GALLERY NA ITO: