
Kahit kasalukuyang nasa loob ng Bahay Ni Kuya si Shuvee Etrata, hindi pinalampas ng kaniyang best friend na si Ashley Ortega ang pagkakataon na i-greet ang una.
Sa Instagram Stories, makikita ang post ni Ashley para sa kaniyang BFF na kaniya ring fellow Sparkle star.
Paglalarawan ng una kay Shuvee, siya ang kaniyang happy pill at real ka-duo.
“Happiest birthday to my happy pill and to my real ka-duo! I miss you, babe," sulat niya.
Kasunod nito, inilahad ni Ashley na proud siya kay Shuvee na mas nakikilala pa ngayon ng marami sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kaniyang journey sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ayon sa ex-PBB housemate, “I'm so proud of you and I'm happy people get to see how kind-hearted, smart, and beautiful you are as a person. Keep shining babe.”
“You are loved by many and I'll see you at the big night! @shuveeetrata,” pahabol pa niya.
Bukod sa sweet birthday message, ibinahagi rin ni Ashley ang ilang photos niya kasama ang kaniyang BFF.
Related gallery: the friendship of Ashley Ortega, Shuvee Etrata, Skye Chua, and Roxie Smith
Samantala, sa previous episodes ng programa, matatandaan na ipinagmalaki ni Shuvee sa housemates ang pagiging generous at kind-hearted ni Ashley.
Si Ashley ay naging parte rin ng teleserye ng totoong buhay ng mga sikat at ang Kapamilya star na si AC Bonifacio ang huling naka-duo niya bago siya lumabas ng Bahay Ni Kuya.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.