
Tumitindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na Apoy Sa Dugo, na pinagbibidahan nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, at Ashley Ortega.
Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, thankful si Ashley sa magandang feedback na natatanggap ng serye mula sa fans, ngunit inamin rin niyang hindi madali ang pagganap sa kanilang mga karakter.
“Basically, on breaks kapag rest, nagiging back to normal people kami kasi 'yung closeness na nabuo. At saka lagi kang dala si Yoda, 'yung dog ko, he keeps me sane.
“Actually, 'yung mga last tapings kasi mga mabibigat na eksena 'yung dinadala namin. Sobrang intense 'yung mga emotion, so ang hirap, actually, the past few days, dun talaga ako mas na-challenge,” kuwento niya.
Nang dahil sa malapit na bond nina Ashley at Elle, nagiging madali na lamang sa kanila na gawin ang mga eksena, lalo na ang mga confrontation scene.
Aniya, “Okay kami ni Elle. We were able to build a close relationship off-cam, which is nice. So it's easy nalang na makita 'yung chemistry namin on-screen.”
Katunayan, makikita sa social media ang magandang bond nina Ashley at Elle off-cam. Sa Instagram, ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate ang video nila ng kanyang kapwa Sparkle star kung saan kumasa sila sa isang fun trend.
“Bati muna si Angel at Vanessa today,” sulat niya sa caption.
Related gallery: Before the sister war: Vanessa and Angel's sisterhood moments in 'Apoy Sa Dugo'
Subaybayan ang Apoy sa Dugo tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.