GMA Logo MPK Zoomustahan
What's on TV

Ashley Ortega, Therese Malvar at Althea Ablan, kumportable kay Michael Flores sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published August 12, 2021 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spanish national evacuated from hantavirus cruise ship tests positive
Minor injured in reported street attack in Iloilo
This immersive storytelling museum is inspired by a Korean tale

Article Inside Page


Showbiz News

MPK Zoomustahan


Sa upcoming fresh at brand new episode ng '#MPK,' gaganap sina Ashley Ortega, Therese Malvar at Althea Ablan bilang magkakapatid na makakaranas ng sexual abuse mula sa sarili nilang ama na gagampanan ni Michael Flores.

Hango sa tunay na kuwento ng magkakapatid na nakaranas ng sexual abuse mula sa kanilang sariling ama ang mapapanood sa upcoming fresh at brand new episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.

Pinamagatang "Our Abusive Father," tampok dito ang mga mahuhusay na Kapuso actresses na sina Ashley Ortega, Therese Malvar at Althea Ablan.

Ang aktor na si Michael Flores naman ang gaganap bilang kanilang ama.

Our Abusive Father on MPK


Nakausap ng GMANetwork.com ang apat sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong August 11 kung saan nagkuwento sila tungkol sa episode.

"I will be playing the role of Jessa. Ako po ang panganay at ako po ang ate sa tatlong magkakapatid. Siya ang pinaka naging victim sa abusive niyang tatay. Dahil sa hindi niya kinaya, iniwan niya yung dalawa niyang mahal na kapatid but then eventually noong pagbalik niya, mali pala 'yung desisyon niya na iniwan niya 'yung mga kapatid," pahayag ni Ashley tungkol sa kanyang role.

"I play the role of Diana. Isa siyang masiyahing anak at kapatid pero mag-iiba 'yung ugali niya once umalis 'yung close niyang ate na si Jessa. Abangan nyo 'yan. Bakit nagbago 'yung ugali ni Diana?" paliwanag naman ni Therese.

"Ako naman po dito si Luna, ang bunsong kapatid. Muntik na rin po siyang maging biktima ng kanilang tatay pero buti na lang nandiyan 'yung mga ate ko at niligtas nila 'ko. Abangan n'yo 'yan kung paano nangyari," paglalarawan naman ni Althea sa kanyang karakter.

"Ang character ko ay si Nestor. Siya po ang tatay ng tatlong dalaga na 'yan. Ito ang pinaka challenging na character na ginawa ko ngayon. Kakaiba eh," lahad naman ni Michael.
Please link: Michael Flores, napunit ang pantalon dahil sa intense scene sa '#MPK' when available

Maselan ang tema ng episode kaya naging maingat daw si Michael lalo na at ang babata pa ng kanyang co-stars.

"After nga noong mga eksena, kinukumusta ko sila. 'Oh kumusta ka? Okay lang ba? Pasensiya na. Sorry kung ganito, ganyan.' Medyo ine-explain ko sa kanila 'yung gagawin ko and siyempre naintindihan naman nila," kuwento ni Michael.

Dahil dito, hindi rin daw nailang ang tatlong young actresses kay Michael.

"Maalaga po si kuya Michael," bahagi ni Therese.

"Bago naman niya kami i-rape scene, magpapatawa muna 'yan," paggunita naman ni Ashley.

"Before or after kasi ng eksena, magpapatawa na 'ko para lang kahit papano gumaan lang ulit, maging light lang ulit," pag-sang-ayon naman ng aktor.

Para naman kay Althea, isang istorya ng pagpapatawad at pagmamahal ang episode nila.

"Always silang nandyan para sa isa't isa lalo na kapag may malungkot na isa, chini-cheer up namin 'yung isa't isa. Ayaw din namin na mahiwalay kami. Pero 'yun nga, dumating 'yung time na mayroon isang umalis sa amin. Siyempre may tampuhan pero at the end mayroon palang ibig sabihin 'yun kung bakit kami iniwan," aniya.

"Dapat alamin din natin 'yung mga pangyayari bago tayo magalit sa tao na 'yun. Forgiveness na rin sa nanay nila kasi kahit ganoon 'yung nagawa niya, gumawa pa rin siya ng paraan mapanagutan 'yung ginawa ng tatay nila. It's all about forgiveness and then 'yung love ng magkakapatid," dagdag pa ni Althea.

Bagahi din ng episode si ang real life misis ni Michael na si Nina Ricci Alagao. Gaganap siya bilang Esme, ang nanay ng tatlo na ipapagkibit-balikat ang sumbong ng panganay tungkol sa panghahalay ng ama.

Huwag palampasin ang brand new episode na pinamagatang "Our Abusive Father," sa mas pina-agang timeslot ng #MPK ngayong Sabado, August 1, 7:15 pm.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: