
Ngayong Biyernes, September 22, 2023, idinaos ang biggest contract signing event ng Kapuso Network na Signed for Stardom.
Kabilang sa ipinakilala at itinampok sa naturang event ay ang social media influencers na parte na ng Sparkle GMA Artist Center.
Isa sa mga ito ay si Ashley Sandrine Yap, isang beauty and lifestyle vlogger.
Bukod dito, si Sandrine ay lovely daughter ng Sparkle actor na si Richard Yap na present din sa big event.
Masayang ipinakilala ng mga host na sina Martin Javier at Rain Matienzo ang bagong miyembro ng Sparkle onstage.
Kasunod nito, nagbigay ng pahayag si Sandrine tungkol sa mainit na pag-welcome sa kanya ng Kapuso Network.
“I'm very excited. Actually, I'm pretty nervous but I'm also very honored to be here with you guys.”
Nagpasalamat si Sandrine sa ilang GMA executives at pati na rin sa kanyang supportive parents.
Pahayag ng bagong Sparkle member, “Any role, I would be very happy to take on."
Dagdag pa niya, "I'm super excited to challenge myself but of course I want to say thank you Ms. Annette Gozon-Valdes, Ms. Tracy Garcia, Ms. Joy Marcelo… Thank you so much for making me part of the Sparkle family… And of course, my parents for their unconditional love and support.”
Sa isang interview, sinabi ng Chinito actor na si Richard na suportado niya ang kanyang anak na si Sandrine sa kung anuman ang gusto nitong gawin, kabilang na ang pagpasok sa show business.
Kasalukuyang napapanood ang Kapuso actor sa dalawang GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap at Unbreak My Heart.
Samantala, panoorin ang ilang naging kaganapan sa Signed for Stardom 2023 sa video na ito: