GMA Logo Ashley Sarmiento, Marco Masa
Courtesy: GMANetwork.com, Clare Cabudil
What's on TV

Ashley Sarmiento at Marco Masa, magkatrabaho sa 'Akusada'

By EJ Chua
Published June 4, 2025 6:25 PM PHT
Updated June 17, 2025 9:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento, Marco Masa


Excited na ang fans ng AshCo sa bagong proyekto nila na 'Akusada.'

Kabilang sa cast ng upcoming suspense drama na Akusada ang Sparkle stars na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa.

Dahil sa madalas nilang pagtatambal, kilala sina Ashley at Marco bilang AshCo.

Sa social media, mababasa ang positive comments ng netizens at fans ng AshCo tungkol sa pagsasama nila muli sa isang bagong proyekto.

Bukod sa AshCo, mapapanood din sa serye sina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Ronnie Liang, Ahron Villena, Erin Espiritu, at marami pang iba.

Ang Akusada ay pagbibidahan ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Matatandaang bago sumalang sa pagte-taping, sumabak ang ilang cast members ng upcoming series sa isang acting workshop kasama si Ana Feleo.

Samantala, ano kaya ang roles nina Ashley at Marco sa serye?

Huwag palampasin ang pagsisimula ng Akusada, ngayong 2025 na, sa GMA Afternoon Prime.

Related gallery: Cast ng Akusada, nagkita-kita sa story conference