
Marami ang patuloy na humahanga sa tambalang AshCo na binubuo ng Sparkle artists at Akusada stars na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa.
Sa panayam ng members ng press sa AshCo kabilang na ang GMANetwork.com, ibinahagi nilang dalawa na bukod sa pagiging mga aktor ay parehas din silang estudyante.
Related Gallery: The many times Ashley Sarmiento and Marco Masa made us go kilig
Game na game na sinagot ng working students na sina Ashley at Marco ang tanong ng press kung paano nila naha-handle ang pag-aartista at pag-aaral.
Pagbabahagi ni Ashley, “Parang nasanay na rin po kami sa setup since bata pa lang po kami pinagsasabay na po namin 'yung studies and work. Pinapakiusapan po namin minsan sa school 'yung other deadline para makahabol po. 'Yung school ko po kasi very understanding. I'm thankful na mayroon akong understanding na teachers and friends na were really there to support me when I need them.”
Para naman kay Marco, isang malaking challenge ang pagiging working student niya.
“Ever since I was a kid, ever since I started my acting career in this industry, face to face na talaga ako, then nu'ng pandemic nag-online. Nasanay ako sa ganong setup. At first, it was manageable naman, kasi kahit papaano pwede mo ipagtanong, pero ngayon kasi… 'yung dapat nakapag-study ka beforehand,” sabi ng young actor.
Dagdag pa niya, “It's really hard na pagsabayin… Ever since grade conscious din ako. Dahil din namana sa mga tulong ng teachers ko, classmates ko, naa-update naman ako, minsan sila na nagtuturo sa akin.”
Kasunod nito, ipinaabot ni Marco ang pasasalamat niya sa mga taong nakapaligid sa kanya sa trabaho man o sa eskwelahan.
“I'm really thankful na nilagay ako ni Lord sa ganong community,” pahabol niya.
Samantala, sina Ashley at Marco ay napapanood sa intense drama na Akusada bilang sina Amber at Tristan.
Kasama nila sa serye sina Andrea Torres, Benjamin Alves, Lianne Valentin, Shyr Valdez, Erin Espiritu, Ahron Villena, Ronnie Liang, at marami pang iba.
Huwag palampasin ang susunod na mga eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
Related Gallery: Akusada stars at the GMA Afternoon Prime Media Day