
Muling magtatambal sina former PBB housemates Ashley Sarmiento at Marco Masa sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibida sila sa episode na pinamagatang "Aisle Two I Love You."
Gaganap si Ashley bilang Nicole, habang si Marco naman ay si AJ--parehong new hires sa isang grocery store.
Magiging workplace rivals ang dalawa matapos mangako ng bonus ang kanilang boss sa kung sino man ang magiging employee of the month sa pagtatapos ng buwan.
Kailangan ni Nicole ang extra money para sa pag-aaral niya sa college. Kailangan din ito ni AJ para ipagamot ang kanyang nanay.
Sino kaya sa kanila ang magiging employee of the month?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Aisle Two I Love You," May 17, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.