GMA Logo Ashley Sarmiento, Rave Victoria
Courtesy: ABS-CBN Music
What's Hot

Ashley Sarmiento at Rave Victoria, tampok sa official music video ng 'Ikaw ang Simula'

By EJ Chua
Published June 2, 2026 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jinggoy Estrada asks Sandiganbayan to attend hearings in plain clothes
One North Central Luzon: June 2, 2026 [HD]
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento, Rave Victoria


Mapapanood ang AshRave sa 'Ikaw ang Simula' official music video ni KD Estrada.

May bagong ayuda para sa kanilang fans ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Ashley Sarmiento at Rave Victoria.

Related gallery: Ashley Sarmiento and Rave Victoria's sweetest moments

Tampok ang tambalang AshRave (Ashley at Rave) sa “Ikaw ang Simula” official music video ni KD Estrada na ini-release nitong May 30, 2026 sa iba't ibang social media platforms.

Mapapanood dito ang kulitan at kilig moments nina Ashley at Rave habang nasa isang gym at maging sa labas nito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 46,000 views sa YouTube ang naturang music video, kung saan guest artists sina Ashley at Rave na kilala sa online world bilang AshRave.

Samantala, sa TikTok naman, mapapanood na nakisabay sina Ashley at Rave sa “Cha Cha Cha” trend na labis na nagustuhan ng kanilang fans ang entry nila.

Kasalukuyang nasa courting stage ang Sparkle star at Star Magic artist, bagay na kinumpirma ni Ashley sa panayam sa kanya noon ng King of Talk na si Tito Boy Abunda.

Sa nagdaang collab ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, si Ashley ang itinanghal na Kapuso Third Big Placer habang si Rave naman ay naging parte ng wildcard category.

Abangan ang next updates tungkol sa AshRave sa GMANetwork.com.