
Isa sa mga pinakahinahangaang love team ngayon ang AshCo, o ang tambalan ng MAKA stars na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa. Ngunit ayon sa dalawa, bago pa man sila naging parte ng Sparkle GMA Artist Center ay nakita na sila bilang love team ng netizens sa pino-post nilang Tiktok videos at vlogs.
Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento nina Ashley at Marco na pandemic pa lang, noong magsimula silang mag-post ng Tiktok videos at vlogs, nang unang mabuo ang kanilang love team.
Ani Ashley, “Nu'ng pandemic po, nag-start po kami mag-vlog ng same group po namin which is called Silver Squad sa Youtube and then ayun po, eventually, nagulat na lang po kami ni Marco na shini-ship na po kami, ginagawan po kami ng edit sa TikTok, ganiyan.”
Dagdag pa ni Marco ay bago pa man sila pareho ni Ashley naging Sparkle artists ay nabuo na ang fanbase nila at meron nang shippers ang AshCo.
Aminado naman si Marco na hindi niya namalayan na naging love team na pala sila ni Ashley dahil aniya, “We were doing it po for fun lang po talaga.”
“Nasa iisang friend group kami ni Ashley. Nakikita na lang po namin sa mga comments, sa mga Tiktok edits na 'Wow, shini-ship pala kami ng mga tao.' So 'yun po, patuloy pa rin po 'yung pagti-TikTok namin, paggawa po namin ng mga vlog until nag-join po kami ng Sparkle,” sabi ng young actor.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA PINAKABAGONG LOVETEAMS SA GALLERY NA ITO:
Masaya naman umano si Ashley na nakikitaan sila ni Marco ng mga manonood ng kilig at tuluyan nang naging isang love team. Kuwento ng aktres, dati pa man ay marami nang nagre-request na magkatrabaho at magtambal na silang dalawa sa mga proyekto.
“Ang tagal-tagal na po nilang nagre-request na lagi kong nakikita sa mentions, sa messages na sana i-love team na, sana makatrabaho kayo ni Marco, sana maka-pair kayo, and happy [ako] na na-grant 'yung wish na 'yun ng mga fans for us and I'm happy dahil ang makaka-work ko ay si Marco,” sabi ni Ashley.
Pagpapatuloy pa ng young actress, “Ang tagal-tagal ko na po siyang kilala, so parang mas madali na. Hindi po parang, mas madali nang makatrabaho since may connection na po kami and kumportable na po kami sa isa't isa.”
Kuwento pa ni Ashley, madalas ay magkasama sila ni Marco na nakikita at nababasa ang comments ng netizens at pag-amin niya, ay tinatawanan lang nila ito dahil matagal na silang magkaibigan ng aktor.
Dagdag pa ni Marco, “As in sobrang tagal na po namin magkakilala kasi we were together po sa Goin Bulilit din and ayan, same po kami, nag-start sa commercial model, so nagkikita-kita na po kami.”
Pakinggan ang buong panayam kina Ashley ay Marco dito: